Mga indibidwal na may sintomas ng COVID, makaboboto sa IPPs – Comelec

Mga indibidwal na may sintomas ng COVID, makaboboto sa IPPs – Comelec

May 7, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagtalaga ng Isolation polling places (IPP) para sa mga botante na makikitaan ng COVID-19 symptoms bilang bahagi ng pag-iingat laban sa virus sa darating na eleksyon, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Sinabi ng Department of Education (DepEd) na may mga safety officers na mangangasiwa sa pagkuha ng kanilang mga balota sa IPP.

Wala ring vote counting machines sa loob ng IPP at kokolektahin ang mga balota bago ipasok sa mga ote counting machines (VCM).

Kinakailangan ding pumirma ng mga botante na may COVID-19 symptomssawaiver forms dahil hindi sila makakukuha ng resibo pagkaboto.

“Ang lahat po ng mga balota ng may sakit o lagnat ay iipunin yan ng IPP staff at ihuhulog lang yan doon sa presinto na may VCM before the closing hours ng 7 p.m.,” paglalahad ni DepEd director Marcelo Bragado.

“Yung envelope mo, pagkatapos mong botohan, pagkatapos mong i-shade, ‘yan ay ilalagay sa expandable envelope at hindi ‘yan puwede buksan. Pagkatapos ng botohan sa EAPP at IPP, ibabalik iyan kung saan sila nanggaling,” lawyer Rona Caritas, executive director of LENTE, dagdag niya.

Magtatalaga rin ng safety officers sa polling precincts na magbabantay sa mga lalabag sa health protocols kagaya ng hindi pagsusuot ng facemasks.

“’Yan yung isang challenge natin ngayon with the COVID protocols that we will be implementing talagang mahabaan ang pila, we would try to impose the health protocols of one meter distance,” ani DepEd Undersecretary Alain Del Pascua.

Nauna ang ihayag ng poll body na inaasahan nito ang halos 67.5 milyong indibidwal– o 60 porsyento ng populasyon ng bansa– na boboto sa Lunes. RNT/SA