MGA ISKOLAR SA LAGUNA, INAYUDAHAN NI BONG GO

MGA ISKOLAR SA LAGUNA, INAYUDAHAN NI BONG GO

November 28, 2021 @ 1:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Namahagi ng ayuda si Senator Christopher “Bong” Go’s sa mga iskolar sa bayan ng Siniloan sa Laguna at pinayuhan niya ang mga kabataan na ipursigeng makataps ng pag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Umaabot sa 300 estudyante ang binigyan ng tulong ng mga staff ni Go sa Siniloan Town Plaza, bukod sa computer tablets, sapatos at bisikleta sa mga piling mag-aaral.

“Pakiusap ko lang po sa mga kabataan para sumaya ang inyong mga magulang, mag-aral ho kayo nang mabuti at kayo po ang kinabukasan ng bayang ito,” sabi ni Go.

Nauna rito, nangako si Go na bibigyan ng malaking pansin ang hangarin para sa mabilis at inklusibong pagbangon ng ekonomiya para sa bansa, at walang sawang magsisikap na maibalik ang tibay ng ekonomiya.

“To do so, we must first help the ten million Filipinos who are the poorest of the poor and provide them with the financial assistance they require, including easy-to-access, low-interest loans as well as job opportunities. At the same time, we must strive for at least one college graduate in every family,” ipinunto ng senador.

Bilang bahagi naman ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maibsan ang masamang epekto ng pandemya sa mga mahihinang sektor, ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ay nagbigay din ng tulong pinansyal sa mga estudyante.

Sa kanyang video message, si Go, bilang chair ng Senate Committee on Health and Demography, ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala sa mga Pilipinong nag-aatubili pa ring magpabakuna.

Umapela siya sa publiko na magtiwala at suportahan ang national vaccination drive.

“Kapag nandiriyan na po kayo sa priority list, magpabakuna na po kaagad kayo. Ang bakuna po ang susi o solusyon upang unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay. Magtiwala ho kayo sa bakuna; huwag ho kayong matakot sa bakuna. Matakot ho kayo sa COVID-19,” iginiit ni Go.

Samantala, nag-alok naman ng karagdagang tulong ang senador sa mga nangangailangan ng atensyong medikal. Pinayuhan niya ang mga ito na humingi ng medikal na pangangalaga sa San Pablo City General Hospital sa San Pablo City o Laguna Medical Center sa Sta. Cruz kung saan may mga Malasakit Center na handang tumulong sa kanila sa kanilang ospital at iba pang gastusin na may kinalaman sa medikal.

Itinatag noong 2018, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na pinagsasama-sama ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office sa iisang bubong upang mabigyan ang mga mahihirap at mahihirap na pasyente ng maginhawang access sa mga programa sa tulong medikal ng gobyerno.

“Mayroon na ho tayong 149 na Malasakit Centers sa buong Pilipinas na handang tumulong po sa mga poor and indigent patients. Zero balance po ang target po ng Malasakit Center,” said Go. Nats Taboy