Mga iskul may karapatang ‘wag magsagawa ng F2F classes – CHED

Mga iskul may karapatang ‘wag magsagawa ng F2F classes – CHED

January 12, 2022 @ 12:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Maaring ipagpaliban ng mga kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 ang pagsisimula ng kanilang limited in-person classes kung “conditions on the ground” ay unfavorable.

Martes ng gabi nang magpalabas ng advisory ang Commission on Higher Education (CHED) na nagsasabing ang higher education institutions (HEIs) na nasa Alert Level 3 areas ay maaaring magsimula na magsagawa ng limited in-person classes para sa lahat ng kanilang degree programs sa Enero 31.

Ang pahayag na ito ng CHED ay humakot ng kritisismo mula sa social media users, na nagpahayag ng pagkabahala dahil sa patuloy na nakaharap ang bansa sa resurgence ng COVID-19 cases.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na ang Enero 31 ang “earliest date” na maaaring magsagawa ng in-person classes ang HEI.

“Iyong Jan. 31, ang ibig sabihin, ‘yon ang pinakamaaga na puwede kang magbukas. Pero kung ‘yong conditions on the ground [are] not favorable, siyempre, ‘wag ka magbukas,” aniya pa rin.

“Hopefully, by Jan. 31, you have a better grip on the data, makikita natin kung pababa na [ang COVID cases]. Kung mabagal ang pagbaba, ang magiging desisyon dapat nila ay mag-adjust doon sa conditions on the ground,” dagdag na pahayag ni De Vera.

Aniya, ang malaking public universities sa National Capital Region, na nasa Alert Level 3 hanggang Enero 15, ay nagdesisyon na magdaraos sila at sisimulan ang in-person classes sa Pebrero.

“Minove nila para panigurado, bagama’t handa na sila,” ani De Vera.

“Some HEIs in other regions, such as in Eastern Visayas and Caraga, also postponed the start of their limited in-person classes as they continue to recover from the destruction left by Typhoon Odette last December, aniya pa rin. Kris Jose