Mga kababaihan bibigyang-boses ng Marcos admin sa polisiya, kaunlaran

Mga kababaihan bibigyang-boses ng Marcos admin sa polisiya, kaunlaran

August 16, 2022 @ 3:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bibigyan ng administrasyong Marcos ng “boses” ang mga kababaihan sa mga usapin na may kinalaman sa “polisiya at kaunlaran”.

Ang pahayag na ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ay kasunod ng kamakailan lamang na oath-taking ng mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), interim government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Cruz- Angeles, sa 80 bagong miyembro ng BTA, 16 ang kababaihan.

“Ang balanseng representasyon ng kasarian sa pamahalaan ay mahalaga sa pagbuo ng mapayapang lipunan,” ayon kay Cruz-Angeles sa kanyang official Twitter account.

“…Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, patuloy ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na makilahok sa usapin ng polisiya at kaunlaran,” dagdag na pahayag nito.

Ang ratipikasyon ng Republic Act (RA) 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL) sa pamamagitan ng plebesito na idinaos noong 2019 ang nagbigay-daan para sa paglikha ng BARMM at pagtatatag ng BTA.

Kinabibilangan ng 80 miyembro na itinalaga ni Pangulong Marcos, ang BTA ay “governing body tasked to pass crucial legislation to operationalize the BOL and exercise legislative and executive powers during the region’s transition period.”

Ang 41 miyembro ng BTA ay nominado ng MILF, habang ang 39 na miyembro ay inendorso ng Philippine government.

Ang listahan ng mga miyembro ng BTA ay in-upload sa official Facebook page ng Bangsamoro government. Naglalaman ito ng mga pangalan ng 80 appointees, kabilang na si Ahod Ebrahim na itinalaga bilang BTA interim chief minister. Kris Jose