Mga kababaihan hinikayat ni VP Sara na magsilbing inspirasyon sa kapwa kababaihan

Mga kababaihan hinikayat ni VP Sara na magsilbing inspirasyon sa kapwa kababaihan

March 4, 2023 @ 10:27 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga kababaihan na magsilbing inspirasyon at tumulong na makapagbigay ng kapangyarihan sa ibang kababaihan.

Sa isang Facebook post, sinabi ng DepEd na suportado nito ang mga programa para sa mga kababaihan.

“Ngayong National Women’s Month, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagsisiguro na ang karapatan ng kababaihan ay mapahahalagahan sa pamamagitan ng paglalaan ng mga proyekto at programa sa layuning ito,” ayon sa DepEd.

Binigyang diin naman ng departamento ang panghihikayat ni Duterte sa mga kababaihan sa naging talumpati nito sa “Gamhanang Buwak: Flower Power” art exhibit ng Floral Artists of Davao Association, Inc., araw ng Miyerkoles.

“As women, we can work together to transcend differences and provide great inspiration to others to be more involved in building a society that is inclusive, supportive, and constantly yearning for a more humane expression,” ayon kay Duterte.

Hinikayat din ng Bise-Presidente ang mga artist sa nasabing event na bigyan ng kapangyarihan ang ibang mga kababaihan at magsilbing “inspiring members” sa lipunan.

“Let this occasion strengthen our solidarity as women who empower fellow women, and as artists who use art to enlighten, women’s inherent capacities for nation-building, especially in our environmental protection and conservation efforts and in eliminating violence against women and girls,” ang wika ni Duterte.

Samantala, nakiisa naman ang DepEd sa pagdiriwang ng Women’s month na may temang “WE (Women and Everyone) para sa “gender equality at inclusive society.”

Partikular na hangad nito ang pagsusulong at panindigan ang gender equality. Kris Jose