Mga kasambahay, nag-ambag sa bday ni Mega!

Mga kasambahay, nag-ambag sa bday ni Mega!

January 8, 2023 @ 8:48 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – No frills. No fanfare.

Ganito kasimple ipinagdiwang ni Sharon Cuneta ang kanyang ika-57 kaarawan nitong January 6.

As early as January 5 ay nagkaroon na ng selebrasyon ang Megastar.

May pa-pre-birthday dinner siya para sa Sotto family.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Sotto matriarch na si Helen Gamboa ay kapatid ng ina ni Sharon na si Mommy Elaine.

Their closeness goes to show na nauunawaan ng Sotto family kung sinuportahan man ni Sharon ang vice presidential bid ng asawa at dating senador na si Kiko Pangilinan at hindi ang tiyuhing si Tito.

Pag-uwi ng kanilang bahay ay pinangunahan naman ni Kiko ang inihandang selebrasyon.

Maririnig sa background kung gaano ka-touched si Sharon sa gesture ng kanyang mga kasambahay who pitched their share.

Sa kuwarto ni Sharon nila sabay-sabay na iniabot ang birthday cake.

Nothing but thankful naman si Sharon dahil kumpleto ang mga nagmamahal sa kanya except for her eldest daughter KC Concepcion.

Nagpasalamat din siya sa ambag ng kanilang mga kasambahay partikular ang mga yaya nila.

Higit pang touched si Sharon sa flowers mula kay Kiko with a handwritten note expressing his love for his wife.

Itinuturing na bonus ni Sharon ang mga blessings na dumarating sa kanyang buhay.

Sa ipinakitang sweetness nina Kiko at Sharon sa isa’t isa, tuluyan na ngang nagkaayos ang couple who was going through some rough patch last year.

Matatandaang inamin mismo ni Sharon sa kanyang social media account na anim na buwan din silang may ‘di pagkakaunawaan ng asawa.

Inakala raw niyang sasalubungin niya ang 2023 nang hiwalay siya kay Kiko.

Sharon’s post in recent memory had something to do with mulling over retiring from showbiz dahil pagod na raw siya.

It’s just that she cannot afford to do so dahil marami pa raw siyang mga obligasyon tulad ng pagpapaaral sa kanyang mga anak. Ronnie Carrasco III