Mga kasambahay sa NCR may P1,000 taas-sahod

Mga kasambahay sa NCR may P1,000 taas-sahod

June 23, 2022 @ 7:55 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – May P1,000 taas-sahod sa mga kasambahay sa National Capital Region.

Ito ay matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) ang nasabing taas-sahod, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules.

“The Secretary (Silvestre Bello III) would like to announce that the National Capital Region-National Tripartite Wages and Productivity Board has just approved this afternoon a wage increase for our kasambahays of additional PHP1,000 a month, bringing the monthly take home of our kasambahays in the National Capital Region to PHP6,000 a month,” ani DOLE spokesperson Rolly Francia sa isang virtual forum.

Nasa 200,000 kasambahay sa Metro Manila ang makikinabang sa nasabing taas-sahod, kung saan nasa 60 porsyento nito ang stay-in ani Francia.

Umaasa naman si Francia na ang kautusan ay pagtitibayin ng NWPC ngayongHuwebes.

Samantala, iniulat pa niya na dalawang regional wage boards pa lamang — Calabarzon at Soccsksargen — ang hindi pa nagbibigay ng dagdag sahod sa mga household worker.

Sinabi ni Francia na ang mga regional wage board na ito ay inaasahang magsusumite ng mga rekomendasyon mula sa kanilang mga deliberasyon ngayong linggo o bago matapos ang Hunyo. RNT