Mga kaso ng pandurukot pinaiimbestigahan ni Poe

Mga kaso ng pandurukot pinaiimbestigahan ni Poe

September 11, 2022 @ 2:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senator Grace Poe nitong Sabado na nais niyang imbestigahan ng Senado ang naiuulat na insidente ng pandurukot sa bansa.

Sinabi ni Poe na maghahain siya ng resolusyon na humihikayat sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at iba pang appropriate committees na imbestigahan ang naiuulat na kidnapping incidents sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa draft copy ng resolusyon na ipinalabas sa media, sinabi ni Poe na “another kidnapping wave is creating a state of fear, anxiety and  vulnerability among Filipinos.”

Binanggit sa resolusyon ang pagsisiwalat ni Lugene Ang, presidente ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. na mayroong 56 kidnapping incidents sa bansa “for the last 10 days” mula Setyembre 6. Subalit, sinabi ng Philippine National Police na mayroon lamang 27 kidnapping cases na naiulat sa organisasyon sa taong ito.

Binanggit din ang kidnap-slay ni pharmaceutical executive Eduardo Tolosa Jr., na dating CEO ng Iraseth Pharma Inc.

“We cannot allow this situation to threaten our people’s safety and trample on our efforts to help them get through the difficult times,” pahayag ni Poe sa kanyang resolusyon. RNT/SA