Mga kaso vs Pastor Quiboloy, pinaiimbestigahan sa Kamara

Mga kaso vs Pastor Quiboloy, pinaiimbestigahan sa Kamara

December 15, 2022 @ 6:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng Makabayan Bloc sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation laban sa mga kontrobersiyal na kasong kinasasangkitan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa House Resolution 644 na inihain ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas pinakikilos nito ang House Committee on Women and Gender Equality and the Welfare of Children na syang manguna sa gagawing imbestigasyon.

Partikular na nais paimbestigahan ng mambabatas ang kasong rape, sex trafficking at physical abuse ni Quiboloy laban sa mga kababaihan at mga bata batay sa iniulat ng United States authorities.

Batay sa indictment o sakdal laban kay Quiboloy, tatlo sa limang babaeng biktima ay mga menor de edad kung saan lumilitaw na ang sex trafficking activities ni Quiboloy ay nagsimula noon pang 2002.

Nakababahala ang report na “required” umano na makipag talik kay Quiboloy bilang bahagi ng kanilang night duty.

Una nang naglabas ang FBI ng “wanted” poster laban kay Quiboloy dahil sa kasong rape habang ang US Department of Treasury ‘s Office of Foreign Assets Control ay naglabas din ng sanctioned laban sa 40 indibidwal at entities na sangkot sa korupsiyon at lumalabag sa karapatan pantao kung saan kabilang dito si Pastor Quiboloy.

Nagpahayag din ng pagkaalarma si Brosas sa kawalang interes ng administrasyong Marcos sa sanctions ng US kay Quiboloy.

“Ang sabi ng DOJ, they will consult with their legal team. But the pile of allegations against Quiboloy has been ongoing for years, how come they are still undecided on what to do with an international fugitive? The government did not even consider providing protection and aid to the victims. Meanwhile, political prisoners have been languishing in jails because of trumped-up charges while Quiboloy, who is already sanctioned by the US, remains free. Malaya pa nga si Quiboloy na magkalat ng fake news,” paliwanag ni Brosas.

Umaasa si Brosas na hindi hahayaan ni Pangulong Bongbong Marcos na maisantabi ang kaso laban kay Quiboloy.

“We in Gabriela Women’s Party stand with the victims of Quiboloy and call on the government to pursue an investigation into his operations in the Philippines,” pagtatapos pa ni Brosas. Gail Mendoza