MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA UP PRESIDENT (Part 1)

MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA UP PRESIDENT (Part 1)

October 24, 2022 @ 4:59 PM 1 month ago


TINANGGAP  na  ng inyong lingkod ang nominasyon bilang kandidato sa pagka- pangulo ng ating national university, ang University of the Philippines,  upang mabigyan ang  stakeholders ng unibersidad ng mas malawak na pagpipilian. 

Salamat  sa mga indibidwal at grupong nagsulong sa aking nominasyon at sa mga lider ng Edukasyon Party-list sa buong bansa. Isang malaking karangalan na ako ay mapabilang sa mga nominado. 

Gusto ko ring pasalamatan ang governing body ng UP, ang Board of Regents, sa pagtanggap sa aking nominasyon at sa mga kapwa ko nominado na ikinararangal kong mapasama sa  hanay.

Sa aking palagay, ang susunod na pangulo ng UP ay dapat  matugunan ang mga maiinit na isyung kinakaharap ng unibersidad sa ngayon. Unang-una na ang malaking budget cut na natamo ng UP mula sa national government.

Nararapat lamang na ang susunod na pangulo ay kayang gabayan ang UP sa masalimuot na proseso ng budget mula sa panahon ng budget call hanggang kung kinakailangan sa bicam dahil sa Kongreso nanggagaling ang pondo ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na rito ang mga State Universities and Colleges  ng UP.  

Related dito ay ang karampatang leadership para matingnan ang mga paraan para hindi masyadong umasa at maging dependent ang UP sa General Appropriation Act. Kailangan dyan ng susunod na presidente ng karampatang business at managerial skills at karanasan   para pangasiwaan  ang existing resources ng university kasama na ang malawak na lupain ng UP na nahaharap sa maraming ownership disputes. 

Pasensya na at baka ang dating ay self-serving pero malaking bagay  kung may legal background ang presidente. Pangalawa,  ang pangangalaga sa kapakanan ng lahat ng stakeholders  ng unibersidad, lalo ang mga staff, faculty, alumni, mga estudyante at ang interes ng ating gobyerno at ng sambayanang Pilipino na nakasaad sa UP Charter. 

Ang isyu rito ay paano niya madudugtungan at payayabungin pa ang mga nagawa ng outgoing president na si Prof. Danilo Concepcion. Sa ganang akin,  para matupad ang mga mandato ng UP, kinakailangangan at una sa lahat, ay masusing tingnan at isakatuparan ang lahat ng posibleng paraan para maiangat ang kapakanan ng lahat ng stakeholders. (May karugtong)