MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA UP PRESIDENT (Part 2)

MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA UP PRESIDENT (Part 2)

October 26, 2022 @ 5:16 PM 1 month ago


ANG isyu rito ay paano madudugtungan at payayabungin pa ang mga nagawa ni outgoing president na si Prof. Danilo Concepcion. Sa ganang akin para matupad ang mga mandato ng UP, kinakailangangan at una sa lahat, ay masusing tingnan at isakatuparan ang lahat ng posibleng paraan para maiangat ang kapakanan ng lahat ng mga stakeholders.

Sa mga staff, agad na tugunan ang isyu ng contractualization, iregularize ang mga deserving JOs, i-fill-up ang maraming unfilled up na plantilla positions, iangat ang benefits para lider ang UP sa SUCs hindi lamang sa sahod, kundi sa mga benepisyo at maging sa aspeto sa retirement.

Ganoon din sa faculty members natin- iangat lahat ng benepisyo sahod at retirement benefits at malawakang oportunidad for post-graduate studies sa Pilipinas at sa abroad. Tingnan din natin kung paano mapabubuti ang housing at health benefits ng ating mga staff at faculty.

“If we are to get the best possible service from our faculty and staff, we owe them the same zeal for working our best to give them the best we can. Sa mga estudyante, we should endeavor to give them the best and most enriching collegiate experience possible. “

Ang mga dormitoryo ng mga estudyante natin, ang kanilang medical needs, required support services kasama na ang guidance and mental health counselling pati na ang registration concerns kung paano ito mapapadali ay dapat tutukan.

Sa usaping tuition naman ay nararapat lamang na iangkop natin ang Education For All policy ng United Nations.

Bilang isa sa mga principal author ng Free College Education sa House of Representatives, ito ay isang concern na malapit sa aking puso, at kaakibat nito ang layunin “that we should not only pave wat for accessibility, and more so re-integration for those already granted to a UP education.That should be the guiding post of the next UP administration.”

Sa mga alumni naman , dapat lang naman na magkaroon tayo nang mas matibay na link para ‘ they would continue to be engaged with the university. (May karugtong)