Mga kawani ng P’que LGU sumailalim sa random drug testing

Mga kawani ng P’que LGU sumailalim sa random drug testing

December 8, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez na nagnegatibo ang resulta sa isinagawang random drug testing ang lahat ng 81 na namumuno sa bawat departamento at tanggapan ng lokal na pamahalaan na sumailalim sa random drug testing nitong nakaraang buwan.

Sinabi ni Olivarez na ang random drug tests, na isinagawa ng mga tauhan ng City Health Office (CHO) sa pakikipagkoordinasyon ng Parañaque Anti-Drug Abuse Office, ay isinagawa bilang pagsunod sa Drug-Free Workplace Ordinance ng lokal na pamahalaan.

“We are happy to announce that all those who took the tests are negative for drug use. This is a big boost to our efforts to ensure a drug-free workplace, and our department heads deserve credit for serving as good examples to our employees and constituents alike,” ani Olivarez.

Ayon kay Olivarez, ang random drug tests ay regular na isasagawa sa mga darating pang panahon kung saan isasailalim ang lahat ng opisyal at rank-and-file na mga empleyado.

“We want the random drug tests to continue not only to serve as deterrent against drug use, but also to show our constituents that government employees are not exempt from our Drug-Free Workplace Ordinance,” saad ni Olivarez.

Hinikayat din ni Olivarez ang mga negosyante sa pribadong sektor na magsagawa rin ng kani-kanilang regular na drug testing upang matulungan ang lokal na pamahalaan na makamit ang ligtas, mas produktibo at drug-free workplace.

Sinabi naman ni Parañaque Anti-Drug Abuse Office Executive Director Andres Altarejos na ang random tests na isinagawa nitong nakaraang buwan ay bahagi rin ng aktibidad para sa Drug Abuse Prevention and Control Week na kalimitang isinasagawa tuwing ikatatlong linggo ng Nobyembre. James I. Catapusan