Mga kawatan sa niloobang paaralan: ‘Pasensya na, wala kaming bigas’

Mga kawatan sa niloobang paaralan: ‘Pasensya na, wala kaming bigas’

January 21, 2023 @ 11:20 AM 1 week ago


ILOILO CITY- Tinangay ang ilang appliances sa loob ng isang paaralan ng mga kawatan para ipambili ng kanilang bigas, kahapon sa lungsod na ito.

Sa report ng Oton Municipal Police Station, pinasok ng mga hindi pa kilalang mga magnanakaw ang silid Parent-Teacher Association (PTA) office ng Oton Central Elementary School, Iloilo City.

Bago tumakas at tangayin ng mga suspek ang 14 stand fans, 2 wall fans, air conditioner, at flat screen television ay nagsulat pa ang mga ito sa blackboard ng

“Pasensya na, wala kaming bigas. Kami ang magnanakaw.”

Ayon kay Major Fernand Limbungan, hepe ng Oton Municipal Police Station, posibleng pamilyar na ang mga suspek sa lugar at matagal na nila itong minamanmanan at planong nakawan.

Sinabi naman ni Ma. Erna Elmido, school guidance ng paaralan, na walang security guard ang paaralan at tanging ang may CCTV lamang ay ang principal’s office.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Anne Sapico