Mga komunista iginiit ni Digong na terorista

Mga komunista iginiit ni Digong na terorista

September 30, 2022 @ 11:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang mga komunista ay terorista.

Ito ang iginiit ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng desisyon ng korte sa Maynila na ibasura ang proscription case ng gobyerno na naglalayong ideklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang New People’s Army (NPA) na mga teroristang grupo.

“There is no need for anybody to declare them terrorists. Kasi dati na silang terorista. Dati na silang kalaban,” ani Duterte sa ginanap na National Assembly of PDP-Laban.

Sa parehong kaganapan, pinagtibay din ng PDP-Laban ang isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na buhayin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahit na ang task force ay nakalaan na ng P10 bilyon sa ilalim ng panukala. P5.26-trillion budget para sa 2023, ang unang proposed budget ng Marcos administration.

“May programa raw na may continuity, kahit wala na sa kapangyarihan, o hindi na ang ruling party,” ani Duterte.

“That program stays. It is very important that it is maintained because it is the one that is most effective in going after pseudo…those pretending to be fighting for democracy, but in reality, their end game is to destroy government and install another one,” anang Pangulo.

Noong Marso 2021, sinabi ni Duterte na nakipagkaibigan siya sa mga komunista noon para makuha ang kanilang mga boto. RNT