Mga konsehal na ‘di bumoto kay PBBM, kinausap ni Sandro

Mga konsehal na ‘di bumoto kay PBBM, kinausap ni Sandro

October 24, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Aktibong nakipag-usap at lumapit si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos sa mga konsehal sa buong bansa na hindi bumoto sa kanyang ama na si ngayon ay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay nangyari kasabay ng event ng Philippine Councilors League (PCL) noong nakaraang linggo kung saan si Rep. Marcos ang guest speaker.

“Lahat naman tayo dito pulitiko….I can probably safely guess na hindi naman lahat ng tao dito ay nakipagsundo sa Pangulo ngayon, baka may ibang kampo na pinuntahan,” aniya.

Inalala rin ni Marcos ang paulit-ulit na mensahe ng kanyang ama noong panahon ng kampanya na ang nais nito ay “unity” o pagkakaisa.

“Alam naman natin ang mensahe ng ating Pangulo ay unity,” pahayag ni Marcos.

“So for that, I implore all of you…let us forget the political colors of yesterday and let us remember that we all serve under the Philippine flag,” pagdulog niya sa mga konsehal na sinundan naman ng palakpakan.

Matatandaan na noong panahon ng kampanya ay ang mga katagang “unity” ang nangibabaw na mensahe kay Marcos na dahilan upang makuha nito ang mahigit 31-milyong boto mula sa mga Filipino. RNT/JGC