Mga kontratang pinasok ng DND rerebyuhin ng PBBM admin

Mga kontratang pinasok ng DND rerebyuhin ng PBBM admin

July 15, 2022 @ 10:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – ‘Subject to review’ ng bagong administrasyon ang mga kontrata na pinasok ng nakalipas na liderato ng Department of National Defense (DND).

Bahagi ito ng “standard operating procedure” ng administrasyong Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang nasabing hakbang ay “customary”.

“Pag-upo ng bagong SND (Secretary of National Defense) palaging binibigay sa kanya yung mga outstanding, yung mga ongoing projects para ire-review nya, ano naman yun, he did not have to order it ano na yan e, parang SOP (standard operating procedure). Na dito sa DND, pagupo ng bago turnover sa kanya lahat maski yung napirmahan na,” dagdag na pahayag nito.

Hulyo 1 nang umupo si Undersecretary Jose Faustino Jr. sa DND bilang officer-in-charge, pinalitan niya si Delfin Lorenzana.

Karamihan naman sa mga kontrata na sisilipin ay mula sa Second Horizon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.

“Hindi ko kabisado ngayon pero karamihan dito sa Second Horizon pero maski yung napirmahan na ire-revirew pa yan ng bagong administrasyon para to make sure,” aniya pa rin.

Kabilang naman sa mga kontrata na rerebisahin ay Russian Mil Mi-17 heavy helicopters at iba pang proyekto na hindi pa naide-deliver.

Sa ngayon, wala pang kontrata ang kinansela, ayon kay Andolong.

“The rationale behind the review is the need for the new DND chief to know the budgetary and time considerations of these projects,” ani Andolong.

Ang gagawing pagsusuri ay magiging gabay ng bagong DND chief kung itutuloy o hindi ang proyekto base sa availability ng pondo. Kris Jose