Mga korte sa Alert Level 3 pisikal na sarado sa Enero – SC

Mga korte sa Alert Level 3 pisikal na sarado sa Enero – SC

January 13, 2022 @ 8:55 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Iniatas ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pisikal na pagsasara ng lahat ng korte sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng Enero sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na Memorandum 10-2022, pinatitigil ni Gesmundo ang pisikal na pagbubukas ng mga korte bunsod ng mataas na pagsipa ng COVID-19 sa National Capital Region, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Baguio City sa Cordillera Autonomous Region; Dagupan City sa Region 1; Santiago City at Cagayan sa Region 2; Angeles City, Bataan, Olongapo City, Zambales sa Region 3; Batangas at Lucena City sa Region 4-A; Naga City sa Region 5, Iloilo City sa Region 6 at Lapu-Lapu City sa Region 7.

“All courts in the above mentioned-areas from the Supreme Court down to the first level courts shall be physically closed to all users and may be reached only through their respective hotlines, and email addresses and Facebook accounts, if available, effective tomorrow, 13 January 2022, Thursday until 31 January 2022, Monday,” saad sa memo ni Gesmundo.

Dagdag pa na ang lahat ng in-court hearings ay suspendido pero tuloy pa rin ang fully remote videoconferencing hearings ng mga urgent matter tulad ng inquests, bail hearings, promulgation ng acquittals o dismissals, temporary o permanent protection order, habeas corpus suits, at kaparehas na kaso at election-related cases. RNT