Manila, Philippines – Sinuspinde na ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila ngayong Miyerkoles dahil sa malakas na pag-ulan bunsod ng Hanging Habagat.
Sa anunsiyo ng Supreme Court’s Public Information Office, sinabi nitong kabilang sa mga wala nang pasok sa trabaho ang mga Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.
[updated, corrected typo] WORK SUSPENSION FOR JULY 18, 2018. Work is suspended for all courts in the National Capital Judicial Region (NCJR) for today, July 18, 2018 as per SAJ Antonio T. Carpio. pic.twitter.com/XNzM7TPgsF
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) July 17, 2018
Ang desisyon naman ng pagsuspinde sa mga korte sa labas ng NCR ay nasa kamay na ng mga Executive Judge ng lugar ayon kay Carpio.
Mas lumakas pa ang Habagat dahil nahahatak ito ng kalalabas lang na Tropical Storm na Henry at ng bagong Tropical Depression Inday na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa gitnang bahagi at katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila. (Remate News Team)