Mga korte sa Pinas fully operational na

Mga korte sa Pinas fully operational na

April 5, 2022 @ 11:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Fully operational na ang trial courts sa buong bansa kahit pa nasa ilalim ito ng COVID-19 Alert Level 1 o Alert Level 2.

Sa mga korte sa ilalim ng Alert Level 1, pisikal na pumapasok sa opisina ang mga tauhan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Lahat din ng judicial offices at services ay bukas at pinapayagan din ang operasyon ng night courts.

Para naman sa mga korte sa ilalim ng Alert Level 2, hindi bababa sa 80 porsyento ng mga opisyal at tauhan ang nagtatrabaho on-site; pinapayagan ang night courts are not allowed; bukas ang judicial offices maging mga serbisyo maliban sa mga kinakailangan ng clearance dahil sa restriksyon ng lokal na pamahalaan.

Ang schedule of operation ng trial courts ay nakapaloob sa circular na ipinalabas ni Court Administrator Raul Bautista Villanueva na binigyang-permiso ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo. RNT/SA