China – Sinisimulan na ng Beijing na i-test ang kanilang mga autonomous cars o yung mga kotseng hindi na kailangan pa ng driver.
Ayon sa Beijing Innovation Center for Mobility Intelligent, nakaandar ang mga sasakyan nang maayos sa loob ng 26,000 kilometers sa mga test area sa siyudad.
Sa ngayon ay may lima nang kompanya ang nakatanggap ng lisensiya para subukan ang kanilang mga ‘driverless’ vehicles.
May mga level ang mga lisensiyang ibinibigay sa mga sasakyan na nagsisimula sa T1 hanggang T5.
Pinakamataas nang naibigay ang lisensiyang T3 na ibinigay sa Baidu Inc. na siyang unang kompanya na nakakuha ng lisensiya.
Ibig sabihin nito, kaya na ng kanilang sasakyan na makaintindi ng batas trapiko at mga emergency na pangyayari.
Inaabangan na ngayon kung saan pa aabot ang mga tinaguriang ‘driverless vehicles’. (Remate News Team)