Mga kriminal, tutugisin ni Digong sakay ng motorsiklo pagkatapos ng termino

Mga kriminal, tutugisin ni Digong sakay ng motorsiklo pagkatapos ng termino

May 7, 2022 @ 2:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipagpapatuloy pa rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang krusada laban sa ilegal na droga kahit pa tapos na ang kanyang termino.

Sinabi ng Pangulo na ibabalik niya ang kanyang dating ugali na naglilibot at gumagala sa mga kalsada para maghanap ng kriminal.

 “Now that I won’t be president anymore, nobody can dictate what I do. I will go riding on a motorcycle and roam around the… And I’ll search for drug peddlers, shoot them and kill them,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Duterte sa isinagawang Hugpong ng Pagbabago miting de avance sa San Pedro Square sa Poblacion District sa Davao City, araw ng Biyernes.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na nilibot at nag-iikot-ikot siya sa mga kalsada ng Davao City para maghanap ng mga kriminal noong siya ay isa pa lamang alkalde ng nasabing lungsod.

Gayundin, ipinagpatuloy din ni Pangulong Duterte ang kanyang diatribe laban sa ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Inalala nito kung paano tinakasan ng mga drug lords ang batas sa pamamagitan ng panunuhol sa kapulisan, taga-usig, piskalya at maging ang mga hukom.

“That is why when I became mayor, I was very strict. I told them that I would build a city that is comfortable for the people to live in. I warned them not to destroy my city with drugs, especially my children, our children. If you do that here in Davao, I will really kill you,” ayon sa Pangulo.

“When I became President, it was still my mantra. I told them do not destroy my country with drugs, don’t feed our children with drugs because they’re the only ones we trust. When we get older, they are the ones who will take care of us. If you turn them into idiots, p***** i** I will really come after you,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose