Mga kumpletong bakuna, bibigyang-insentibo sa Pasay

Mga kumpletong bakuna, bibigyang-insentibo sa Pasay

July 22, 2021 @ 11:17 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bibigyang-pansin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mabilis na pagkukumpleto ng pagbabakuna sa mga nasa kategoryang A2 at A3 priority group upang mabigyang proteksyon ang mga ito sa nakaambang banta ng Delta variant ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa kanyang dinaluhang virtual town hall meeting kasama ang mga representante ng iba’t-ibang barangay at hepe ng bawat departamento sa tanggapan ng city hall ay sinabi ni Calixto-Rubiano na kanilang napag-usapan ang idinudulot na banta ng Delta variant.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na para mas mahikayat pa ng lokal na pamahalaan ang mas marami pang senior citizens (A2) at adults with comorbidities (A3) na magpabakuna ay magbibigay ang lungsod ng insentibo sa pamamagitan ng pamimigay ng mga papremyo at pa-raffle.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na base na rin sa rekomendasyon ni Department of Health (DOH) Regional Director Dr. Anna Ong-Lim, isa pang hiwalay na pa-raffle ang isasagawa sa mga barangay na nakapagbigay ng 100 porsiyentong pagbabakuna sa mga senior citizens at may mga comorbidities sa naturang barangay. James I. Catapusan


  •  
  •  
  •