Mga legit POGO payagan – Remulla

Mga legit POGO payagan – Remulla

September 23, 2022 @ 4:19 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Setyembre 23 na dapat ay payagan pa rin ng pamahalaan ang mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

“We continue with the manageable POGOs,” ani Remulla sa panayam ng CNN Philippines.

Ang tugon na ito ng Kalihim ay makaraang lumitaw ang mga panawagan na tuluyan nang paalisin ang POGO sa Pilipinas na ayon sa kanya ay hindi naman siya tumututol.

Sa kabila nito, naniniwala si Remulla na makaaapekto ito ng malaki sa ekonomiya ng bansa.

“We have to phase them out in a way with the least damage to our economy,” aniya.

“Kung kaya itigil, itigil na natin. Kung hindi naman ayusin natin ang sistema para hindi nakakagambala sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Kung babalikan, inihayag rin ni Remulla na mayroong 40,000 overstaying na mga Chinese POGO workers ang nawalan ng trabaho makaraang kanselahin ng PAGCOR ang permit ng nasa 216 POGOs. RNT/JGC