Mga lider mula sa iisang partido, advantage sa bayan – Speaker Velasco

Mga lider mula sa iisang partido, advantage sa bayan – Speaker Velasco

May 25, 2022 @ 8:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Agad na nagpaabot ng kanyang pagbati si House Speaker Lord Allan Velasco kina President-Elect Bongbong Marcos, Jr at  Vice-President-elect, Sara Duterte-Carpio gayundin sa Joint Canvassing Committee na nanguna sa bilangan.

Ayon kay Velasco ang fair canvassing na pinamunuan nina  House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay nagbigay ng garantiya sa tiwala ng taunbayan sa electoral process ng bansa.

“Its a historic canvassing that was finished in two days”ani Velasco.

Sa pagproklama kina Marcos at Duterte ay nakita ng taumbayan ang pagkakaisa ng north at south.

“In previous elections, Filipinos voted for president and vice president from different parties. Finally, this year, we will learn the importance of voting for a tandem – a Uniteam that can work together, a Uniteam that can collaborate with each other, and a Uniteam that can push for a shared national agenda”paliwanag ni Velasco.

Siniguro ni Velasco na masasaksihan ng mga Filipino sa ilalim ng lideratong Marcos-Duterte ang tunay na lakas sa pagkakaisa at pagsasanib pwersa. Gail Mendoza