Mga litrato ng binyag ni Prince Louis, isinapubliko

Mga litrato ng binyag ni Prince Louis, isinapubliko

July 16, 2018 @ 4:41 PM 4 years ago


United Kingdom – Inilabas na ang mga litrato ng royal family noong binyag ni Prince Louis sa The Chapel Royal sa St. James’ Palace noong July 9.

Limang litrato na kuha ng celebrity photographer na si Matt Holyoak ang isinapubliko.

“Everyone was so relaxed and in such good spirits, it was an absolute pleasure,” ayon kay Mr Holyoak.

Kinunan ang mga litrato sa morning room at garden ng Clarence House.

Full cast ang mga miyembro ng royal family kabilang ang Duke at Duchess of Sussex (Prince Harry at Princess Meghan), Prince of Wales Charles at ang  Duchess of Cornwall Camilla, at ang Middleton family, kabilang ang mga kapatid ni Kate na sina Pippa  at James. (Remate News Team)

Photos by: Matt Holyoak