Mga lolo at lola, hinikayat ng OPS na dakilain ng mga Pinoy kahit hindi ‘Grandparents Day’

Mga lolo at lola, hinikayat ng OPS na dakilain ng mga Pinoy kahit hindi ‘Grandparents Day’

September 12, 2022 @ 7:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bagama’t tapos na ang pagdiriwang ng Grandparents’ Day, hinikayat pa rin ng Office of the Press Secretary (OPS) ang sambayanang filipino na dakilain ang kanilang mga lolo’t lola na nagkaroon ng mahalagang gampanin para alagaan ang kanilang pamilya at lipunan.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung paano ang mga lolo’t lola ay umakto bilang pangalawang magulang o guardians kapag ang mga magulang ng kanilang mga apo ay umaalis.

“Sa kultura nating nga Pinoy, mahalaga ang papel ng ating mga lolo at lola maging sa ating paglaki. Para na rin silang ating mga magulang dahil sa kanilang walang mintis na pag-aalaga,” ayon kay Cruz- Angeles.

Sa kanilang espesyal na araw, tinawagan ng pansin ni Cruz-Angeles ang mga mamamayan na suklian ng pagmamahal at iparamdam sa mga lolo at lola na mahalaga ang mga ito sa kanila.

“Kaya ngayong Grandparents’ Day, ating bigyang pugay at alaga ang ating mga lolo’t lola dahil ngayong araw, sila naman ang bida,” dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles.

Ang Grandparents’ Day ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Setyembre sa Pilipinas. Kris Jose