Mga lugar sa Pinas sa ilalim ng granular lockdown umakyat na sa 372- PNP

Mga lugar sa Pinas sa ilalim ng granular lockdown umakyat na sa 372- PNP

January 14, 2022 @ 4:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 372 mula sa 206 ang bilang ng mga lugar sa ilalim ng granular lockdown sa bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nasa 103 locked down areas ang naiulat sa National Capital Region, 80 mula sa Cordillera, 77 mula sa Ilocos, 57 galing Cagayan, 44 sa Calabarzon, at 11 sa Mimaropa, hanggang nitong Huwebes.

Pumalo naman sa 1,308 indibidwal ang apektado ng granular lockdowns, base sa PNP.

Upang masiguro ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards sa locked down areas, 291 PNP personnel at 326 force multipliers ang itinalaga.

Ang granular lockdowns ay micro-level quarantine para sa mga lugar na itinuturing na “critical zones” ng LGUs. RNT/SA