Mga lumabag sa Comelec gun ban, higit 2K na

Mga lumabag sa Comelec gun ban, higit 2K na

March 31, 2022 @ 7:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat na 2,243 ang bilang ng mga naaresto dahil sa paglabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Nahuli sila sa 2,149 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula pa noong Enero 9 hanggang ngayong araw, Marso 31.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,159; habang 39 ang security personnel, 14 ang miyembro ng PNP, 9 ang tauhan ng AFP, at 22 iba pa.

Pinakamarami ay naaresto sa NCR na nasa 823; sinundan ng Region 4-A o CALABARZON na nasa 239; Region 7 na nasa 234; Region 3 na nasa 225; at Region 6 na nasa 131.

Aabot din sa 1,754 mga armas ang nakumpiska ng PNP; 798 deadly weapon kabilang ang 91 pampasabog; at halos 10,000 bala ng baril. RNT/ JCM