Mga magsasaka dapat may ‘say’ sa itatalagang DA official

Mga magsasaka dapat may ‘say’ sa itatalagang DA official

August 16, 2022 @ 8:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Naniniwala ang isang mambabatas na dapat ang irekomendang opisyal sa Department of Agriculture (DA) ay ang pinaka-competent na maaring makatulong sa ahensya.

Sa Balitaan sa Maynila nitong Linggo, binigyan diin ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat na ang mga opisyal na nagrekomenda sa pagkatalaga ni DA Undersecretary at Officer-In-Charge Leocido Sebastian ay hindi na dapat pang payagan na mag-refer ng ibang tao bilang kanyang kapalit.

Ito ay matapos magbitiw si Sebastian noong nakaraang Linggo matapos siyang pumirma ng isang resolution kaugnay sa importasyon ng nasa 300,000 metric tons ng asukal sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nang walang pahintulot mula sa punong ehekutibo.

“Mas maganda iyong recommendation ng industriya, ng stakeholders, ng farmers,” pahayag ni Cabatbat.

Dapat din aniyang tanungin ng Pangulo ang kanilang opinyon kung sino sa tingin nila ang magandang replacement.

Giit ni Cabatbat,kailangan talaga ng bansa na mag-import ng mga produkto na wala sa ating bansa ngunit apra sabayan ang harvest ng local farmers ay isa aniyang sampal sa kanila.

“Hindi po kami laban sa lahat ng importation kasi kailangan talaga natin mag-import ng mga bagay na wala tayo dito pero yung mag-import just in time for harvest, sampal po yan sa aming mga magsasaka,” sabi pa ni Cabatbat.

Sinabi pa ni Cabatbat na kapag hindi maganda ang pagpapatakbo sa DA ay kawawa din ang lahat kaya naman nais ng kanilang party-list na masiguro na magtatagumpay ang administrasyon Marcos sa pagsusulong nito na palakasin ang sektor ng agrikultura sa loob ng anim na taon.

“Sana po ay mapili natin yung pinaka competent na may puso na makatulong ninyo sa Department of Agriculture,” ayon pa sa kinatawan ng naturang partylist na ang tinutukoy ay ang Pangulo.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring inaanunsyo na maaring kapalit sa bakanteng posisyon ni Sebastian. Jocelyn Tabangcura-Domenden