Mga magsasaka lalong lulugmok sa P125/kg SRP, imported sibuyas

Mga magsasaka lalong lulugmok sa P125/kg SRP, imported sibuyas

February 8, 2023 @ 7:03 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas na sila ay malulugi, hindi lamang dahil nakikipagkumpitensya sila sa mas murang imported na mga sibuyas, kundi dahil malapit nang magpataw ang gobyerno ng P125 kada kilo na iminumungkahing retail price sa pulang sibuyas.

Nakatakda na kasing ipatupad ng Department of Agriculture (DA) ang SRP ng sibuyas ngayong Miyerkoles, Pebrero 8.

Ito ay lalong magpapababa sa presyo ng mga inangkat na sibuyas na kasalukuyang ibinebenta sa P160 kada kilo sa Mega Q Mart sa Quezon City. Ang mga lokal na pulang sibuyas ay nasa P270 kada kilo.

ā€œSobrang lugi na sila given na ā€˜yung cost of production ay napakataas… Gustuhin man nilang i-keep ā€˜yung produkto kung baba naman yung presyo nun wala naman silang cold storage facilities,ā€ ani Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo.

Sa ngayon, ramdam na umano ng ilang magsasaka ng sibuyas sa Vintar, Ilocos Norte ang epekto ng pag-aangkat na kasabay ng panahon ng pag-aani ng Pebrero hanggang Abril.

Pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na ibaba ang kanilang mga presyo para makipagkumpitensya sa mga inangkat na pulang sibuyas.

Idinagdag ng departamento na ang farmgate prices ay maaaring ibaba sa P50, na may landed prices sa P100 kada kilo. RNT