Mga magsasaka nag-aaway na dahil sa tubig; Suplay ng gulay, bumulusok

Mga magsasaka nag-aaway na dahil sa tubig; Suplay ng gulay, bumulusok

March 13, 2019 @ 6:49 PM 3 years ago


Baguio – Nag-aaway-away na ang ilang magsasaka sa Benguet at MT. Province dahil sa pag-aagawan sa suplay ng tubig.

Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Liga ng mga Magsasaka sa La Trinidad Vegetables Trading Post na si Agot Balanoy, na sinabing hindi naiiwasan ang pag-uunahan ng mga magsasaka sa pagkuha ng tubig dahil iisa lang ang water source sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Balangoy na apektadon na rin ng El Niño ang mga highland vegetables na sa lugar matapos bumaba ang suplay nito.

Pinangangambahan din ni Balanoy na lalong bababa ang suplay ng mga highland vegetables sa mga susunod na linggo dahil sa posibleng mas titindi ang epekto ng tagtuyot.

Sa kabila nito, nasa normal pa rin ang presyo ng gulay dahil sa pagbaba ng demand nito.

Kabilang ang Benguet at Mountain Province na pangunahing pinagkukuhanan ng highland vegetables sa bansa. Remate News Team