Mga magsasaka sa Albay, may pabahay mula sa DAR

Mga magsasaka sa Albay, may pabahay mula sa DAR

July 13, 2022 @ 8:00 PM 4 weeks ago


UPANG magkaroon ng maayos na paninirahan ang mga agrarian reform beneficiary (ARB) na miyembro ng Albay Dairy Farmers Multi-Purpose Cooperative sa Guinobatan, Albay ang magiging benepisyaryo ng mga housing unit sa ilalim ng proyektong Building, Adequate, Livable, Affordable, and Inclusive Filipino Communities (BALAI), isang magkatuwang na proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa press release sinabi ni OIC-Regional Director Rodrigo O. Realubit na may 200 unit ng bungalow-type na bahay ang itatayo sa 2.6-ektaryang lupain sa Barangay Upper Binogsacan na donasyon ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan kung saan matatanaw ang Mount Mayon.

“Ang inisyatiba na ito ay hindi lamang naglalayon na mabigyan ng tahanan ang mga mahihirap, kundi para parangalan din ang ating hindi matatawarang mga bayani—ang ating mga magsasaka, na kabilang sa mga napapabayaang sektor ng ating lipunan,” ani Realubit.

Aniya, humigit-kumulang 170 units ang ilalaan sa mga karapat-dapat na miyembro ng dairy cooperative na walang bahay, habang ang natitirang mga unit ay ibibigay sa iba pang mga magsasaka na mababa ang kita sa lugar.

“Ang 36-square-meter na mga konkretong bahay ay magkakaroon ng dalawang silid-tulugan, isang banyo na may koneksyon sa kuryente at tubig, isang granite na kusina, mga naka-tile na sahig, at ganap na pininturahan ang panloob at panlabas na mga dingding,” ani Realubit.

Ayon sa DAR na ang bawat bahay ay nagkakahalaga ng PHP520,000.00, na babayaran ng mga magsasaka sa loob ng hindi hihigit sa 25 taon sa 2 hanggang 3% taunang interes lamang.

Kaugnay nito sinabi ni Albay OIC-Provincial head Patricia Rastrullo na bukod sa mga bahay, ang DAR ay magbibigay din ng livelihood programs para sa mga benepisyaryo sa loob ng lokasyon upang maging financially inclusive ang housing package sa mga magsasaka.

Samantala pinuri niya si Vice Mayor Ann Gemma Ongjoco sa pagsuporta at pagbibigay ng lupa para sa proyektong pabahay.

“Ito ay isang milestone. Lubos kaming nagpapasalamat sa inisyatiba na lilikha ng maayos abot-kayang mga tirahan para sa aming mga magsasaka. Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang kanilang mga pamilya ay magkakaroon ng pagkakataon hindi lamang na manirahan sa mas komportableng tahanan kundi upang mapabuti ang kanilang buhay. at kalagayang pang-ekonomiya,” ani Rastrullo.

Pinangunahan ng DAR Provincial Office ng Albay ang ceremonial ground breaking kasama sina BALAI National Coordinator Raymund A. Matic (naka-white polo shirt), Tech4Ed Head Dra. Leilani D. Pavilando, Guinobatan, Albay Vice Mayor Ann Y. Ongjoco, DAR Director Roberto Gavina, Guinobatan Agrarian Reform Chief Jocelyn Naz, at BALAI Regional Coordinator Lolita Adricula. Santi Celario