Mga magulang na nais pabakunahan ang mga anak kontra rubella, tigdas, polio maaari pang humabol – DOH

Mga magulang na nais pabakunahan ang mga anak kontra rubella, tigdas, polio maaari pang humabol – DOH

February 23, 2021 @ 1:08 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa nalalapit na pagtatapos ng malawakang pagbabakuna kontra rubella,polio at tigdas,muling nanawagan ang Departmemnt of Health (DOH) sa mga magulang na ihabol ang kanilang mga chikiting  na wala pang limang taong gulang.

Batay sa datos ng DOH mula sa National Capital region (NCR), region 3, 4A, 6,7 at 8 nitong February 16,2021, mahigit  1.7 milyon pang mga bata ang kinakailangang mabakunahan sa rubella at tigdas.

Samantala, 1.5 milyon naman ang batang kailangang mabakunahan kontra polio.

Panawagan ng DOH, iwasan ang mga sakit na ito at siguruhing ligats ang mga chikiting kaya naman hinimok ng ahensya ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center para sa maging protektado ang kanilang mga anak.

Kasalukuyan pang ginaganap ang mass vaccination laban sa nabanggit na mga sakit at ito ay matatapos sa katapusan ng buwang ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •