Mga mahihirap, pinakasapul ng mababang halaga ng piso – Salceda

Mga mahihirap, pinakasapul ng mababang halaga ng piso – Salceda

September 25, 2022 @ 12:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kung titingnan ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, mas apektado ng mababang halaga ng piso kontra dolyar ang mga mahihirap kumpara sa mga mayayamang Filipino.

“The bottom 30 percent of households in terms of income spend 58.2 percent of their total expenditures on food. And 24.9 percent of total food consumption in the country is imported,” ani Salceda na isang kilalang ekonomista, sa kanyang statement nitong Sabado, Setyembre 24.

“So, a peso depreciation of 25 percent increases their total spending by at least 3.64 percent because of food alone due to first round effects alone. Second round effects, or the effects of increases of imported input costs on domestically produced output, could also pressure household budgets further,” dagdag pa niya.

Ang mga mahihirap rin na mga mamamayan ang pinakasumasalo sa mataas na presyo ng mga bilihin na epekto rin ng mababang halaga ng piso.

“The upper 70 percent only spend 39.5 percent of their income on food. So, the same depreciation will only hit them by 2.47 percent of expenses. And of course, they earn more and have more space for savings.”

Kung babalikan, ayon kay Salceda ay bumaba ng 14.7% ang halaga ng piso sa year-to-date value nito samantala 24% naman ang ibinaba ng halaga nito mula sa pinakamalakas noong 2021.

Bilang pagtatapos, nagbigay si ang Kongresista ng solusyon na posible umanong magkatambal na policy at program intervention. RNT/JGC