Mga mangingisda tataas kita sa P11B fishery project-PBBM

Mga mangingisda tataas kita sa P11B fishery project-PBBM

November 25, 2022 @ 10:12 AM 2 days ago


MANILA, Philippines – INAASAHAN na magkakaroon ng magandang kita ang mga mga Pilipinong mangingisda matapos aprubahan ang proyekto na makapagpapataas sa katatagan ng ecosystems at komunidad ng fisheries management areas, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaprubahan na kasi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang P11.2 billion Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project na inaasahan na tutugon sa problema sa “fishery sector, reduce poverty incidence, at ensure food security.”

“For some reason hindi nagfo-flourish ‘yung aquaculture, hindi na nade-develop. That’s why this is important for me. I think this is where – if not all, it will be part of our food supply. It will give very good income for our fisherfolk,” ayon kay Balisacan.

Makikita sa nasabing pag-aaral na dapat ay maraming “saltwater fish cultivation” bilang resulta ng overfishing ilang dekada mula ngayon.

“We have to get into the industry. We’ve been pushing it since we started using fingerlings to the Pangasinan aquaculture,” aniya pa rin.

Layon ng FishCoRe Project na tugunan ang problema ng sektor ng pangingisda. RNT