Mga mangingisdang Navoteno, binigyan ng fishing nets

Mga mangingisdang Navoteno, binigyan ng fishing nets

June 2, 2022 @ 11:37 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng Kadiwa Program of the Department of Agriculture (DA) ng mga fishing nets sa 92 na rehistradong fisherfolks.

Tumanggap ang nasa 75 mangingisda ng 500 to 700-meter nets na ginagamit na panghuli sa iba’t-ibang klase ng isda at 17 naman para sa 200 to 400-meter mesh nets para sa hipon at alimango.

Pinasalamatan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang DA sa pagtulong nito dahil sa oportunidad sa panghanapbuhay para sa mga mandaragat at maging sa ulo ng nasabing proyekto na si Coun. Alvin Nazal.

“In addition to the fish nets, we intend to provide 50 NavoBangka fiberglass boats to qualified fisherfolks this year. Ten are currently under construction and we expect to have them distributed within June,” ani Mayor Tiangco.

Dagdag pa ng alkalde na ang lungsod sa pamamagitan ng tulong ni Sen. Imee Marcos ay nakatanggap ng P5 million halaga ng pondo mula sa DA para sa programa at proyektong pangkabuhayan sa Navoteño fisherfolks.

Sa pamamagitan naman ng pagsisikap ni Congressman John Rey Tiangco, ang Department of Social Welfare and Development ay nagpalabas ng P3,000 bawat isa sa 7,264 rehistradong fisherfolks sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

“The COVID pandemic affected us all, but it hit hardest those in the marginalized sector including our fisherfolks. We hope that through AICS and the various programs of the city government and national agencies, they will be able to bounce forward quickly,” ani Cong. Tiangco. R.A Marquez