Mga may utang sa SSS, magbayad na – SSS

Mga may utang sa SSS, magbayad na – SSS

July 11, 2018 @ 4:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang mga contributor na magbayad na ng kanilang utang upang magkaroon ng mas maayos na benepisyo kapag sila ay magretiro na.

Sa ginanap na kapihan sa Manila Bay, hinikayat ni SSS President amd CEO Emmanuel Dooc,   ang mga mangungutang sa SSS na  huwag ng hintayin pang lumaki ang multa sa mga loan para hindi mahirapan sa pagbabayad ng kanilang mga inutang sa SSS.

Aniya, huwag asahan ang condonation na ipinagkakaloob ng SSS dahil isang beses lang ito magagamit ng miyembro at hindi na  puwedeng maulit.

Ayon kay Dooc, nasa  36 milyon na  miyembro ang SSS, at sa bilang na ito, mahigit 21 milyong miyembro ang hindi nakapagpatuloy ng  paghuhulog kaya minamatyagan ng ahensiya  ang mga kumpanyang hindi binabayaran ang kanilang empleyado sa kabila ng patuloy na pagkaltas sa sweldo ng empleyado.

Tiniyak naman ng pamunuaan ng SSS na pananagutin ang mga kumpanyang mapapatunayan nilang lumalabag sa batas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)