Mga medical intern gawing vaccinators – Robredo

Mga medical intern gawing vaccinators – Robredo

June 6, 2021 @ 4:30 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Target ni Vice President Leni Robredo, Linggo, na makipagtulungan sa mga medical at nursing schools para madagdagan ang bilang ng mga vaccinator sa Pilipinas.

Ayon kay Robredo, mahalaga ang pagsasanay sa mas maraming tagabakuna dahil ilang mga lokal na gobyerno ang nakararanas ng kakulangan nito sa mga vaccination site.

“Ie-explore namin kung papayag, puwedeng mag-partner tayo with a medical school, partner with a nursing school na ‘yung mga estudyanteng nag-clerk na, nag-iintern na, nag-hospital duty na mapayagan magbakuna basta supervised,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

Aniya rin na dapat paghandaan ng bansa ang paparating pang mas maraming bakuna dahil siguradong kukulangin ng tao kung aasa sa mga nars at doktor para magbakuna na nasa ospital dapat para manggamot. RNT