Mga miyembro ng Gabinete magpapakalat ng impormasyon ukol sa pederalismo

Mga miyembro ng Gabinete magpapakalat ng impormasyon ukol sa pederalismo

August 3, 2018 @ 10:55 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Pakikilusin na rin ng Malakanyang ang mga miyembro ng Gabinete para sa information dissemination tungkol sa pederalismo.

Kailangan din na maibaba ang kahalagahan ng pederalismo sa mga estudyante.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ibababa nila ang mga miyembro ng gabinete sa kani-kanilang mga rehiyon upang sumama sa teams na magpapaliwanag hinggil sa federalism.

Dagdag ni Sec. Andanar na pati ang CHED at DepEd ay kasama sa aniya’y massive government effort upang hanggang sa mga estudyante ay maipaliwanag ang kabutihan ng pederalismo sa mga Pilipino.

Sa ngayon ayon kay Sec. Andanar ay mayroon na ring mga non-profit organizations o NGO ang nagpahayag na ng kanilang pagsuporta hindi lamang sa federalism kundi pati na rin sa TRAIN.

Kaugnay nito’y makikipag-ugnayan din aniya sila sa mga broadcast companies upang makahingi ng kahit 13 minuto at matulungan ang gobyerno na maisahimpapawid ang importansiya ng kahalagahan ng TRAIN at ng federalism. Kris Jose