Mga naaresto sa paglabag sa ordinansa sa Maynila, nasa 440

Mga naaresto sa paglabag sa ordinansa sa Maynila, nasa 440

July 21, 2018 @ 3:55 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Iba’t  ibang ordinansa ang kasong kahaharapin ng 440 individual, matapos pagdadamputin sa ulat ng Manila Police District mula sa Station 1 hanggang sa Station 11 , dahil sa mga kasong Drinking in Public Place ; Half Naked ; Smoking ban at ilan pang mga ordinansa  , simula kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw.

Nagsimula ang operation sa kalye , bandang 5:00 ng madaling araw , hanggang kinabukasan ng July 21 , ayon sa report ni P/Supt. Jay Dimaandal , Station Commnder ng MPD-Raxabago Police Station 1.

Binitbit ng kanyang mga tauhan ang 29 na nag-iinuman sa kalye ; 27 ang naninigarilyo sa pampublikong lugar; 36 na nakahubad ng pangitaas at 23 ang iba pang ordinansa.

Sa Station 2 ng Moriones Police, na pinamunuan ni P/Supt. Dave Mejia , Station Commander, nasa 12 ang nahulihangh naninigarilyo sa kalye; 25 ang timbog na nakahubad  at 12 naman ang iba pang ordinansa.

Sa Sta.Cruz Police Station 3, sa pangunguna ni P/Supt.Julius Ceasar Domingo , nasa 21 ang nahuling nag-iinuman sa kalye; 31 ang naarestong naninigarilyo sa pampublikong lugar; 13 ang half naked at 2 ang iba pang ordinansa, habang sa Station 4, na pinamumunuan ni P/Supt. Andrew Aguirre , Station Commander, tatlo ang nahulng nag-iinuman sa kalye; 10 ang naninigarilyo sa pampublikong lugar; 14 naman ang nakahubad  pang-itaas at 8 ang timbog sa iba pang ordinansa.

Samantala, iniulat naman ng Ermita Police Station 5, na pinamunuan ni P/Supt.Igmedio Bernaldez , Station Commander , nasa 5 ang natimbog dahil sa inuman sa kalye ; at 21 ang iba pang ordinansa.

Sa Sta.Ana Police Station 6 , sa pamumuno ni P/Supt. Albert Barot , 1 ang nahuling nagiinuman ; 3 naman ang natimbog na naninigarilyo at 21 ang half naked.

Sa Jose Abad Santos Police Station 7 , sa pamumuno ni  P/Supt.Jerry Corpuz, Station Commander, apat ang natimbog sa kasong Drinking in Public Place ; 2 ang nahulng naninigarilyo at nasa 15 naman ang iba pang ordinansa,

Sa Malate Police Station 9, sa pamnumuno ni  P/Supt. Robert Domingo, Station Commander , nasa 6 ang nakitaang ag-iinuman sa kalye ; 34 ang smoking ban at 5 ang half naked, habang sa Station 10 sa pamumuno naman ni P/Supt. Erwin Dayag, Station Commander , 1 lamang ang nahuling umiinom sa kalye ; at 7 ang smoking ban , sa Station 11 naman sa pamumuno ni P/Supt.Carlito Mantala, Station Commander , nasa 19 ang napaulat na nahuling naninigarilyo sa pampapublikong lugar m; at 17 ang nhakahubad ng pang-itaas.

Maliban lamang sa Sta.Mesa Police Station 8 , ang walang report sa tanggapan ni MPD-District Director , Chief Supt. Rolando Anduyan. (Rene Crisostomo)