Manila, Philippines – Binabantayan ngayon 24/7 ng medical personnel ng Manila City Jail ang mga dinadalang preso na nagtataglay ng mga sakit.
Ito ang nilinaw ni Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera, ang tagapagsalita ng MCJ, kasunod ng pagkamatay ni Gerry Galuran, ang preso sa MCJ na namatay dahil sa sakit na necrotizing fasciitis o sugat na naaagnas noong hatinggabi ng Hulyo 8.
Ayon kay Bustinera may taglay nang sugat sa kalamnan at likod si Galuran nang ilipat sa kanila base sa medical certificate na isinumite ng Manila police.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan aniya ang MCJ sa MPD Station 9 upang matunton ang pamilya na yumaong si Galuran.
Nabatid na si Galuran ay inaresto ng pulisya noong June 13, 2018 dahil sa kasong illegal gambling, nasentensiyahan ng Metropotlitan Trial Court at noong Huly 5 ay pinalipat sa MCJ sa pamamagitan ng commitment order na inisyu ng korte. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)