Mga nagpapa-5-6, gustong patayin ni Pang. Duterte

Mga nagpapa-5-6, gustong patayin ni Pang. Duterte

July 12, 2018 @ 8:32 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ang mga nagpapa 5-6 ang gusto talagang patayin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayaw na ayaw niya kasi na magmukhang kawawa ang mga Pilipino na gipit na nga ay lalo pang nagigipit kapag kumapit sa 5-6.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kung mabibigyan lamang siya ng marami pang taon at matapos niya ang kanyang termino ay dudurugin niya ang mga nagpapa 5-6.

“Yun talaga, that is my burning desire. Either I stop the 5-6 or I will stop the collectors. Ganun lang ‘yan,” diing pahayag ng Pangulo.

Inalala ng Pangulo ang kanyang nanay na maestra na kumapit din sa 5-6.

“Anak ako ng mahirap. Believe me. Noon pa 5-6 na ang nanay ko. Ang style nila — hindi lang lahat pero, magpabili pa sila ng sala set. ‘Di ba? Dagdagan pa nila ng refrigerator. Ipagbilli sa’yo ‘yan, mahal, sige ka bayad, ‘yung ibinabayad mo sa unggoy, ‘yan ang ibabayad niya, kumikita pa siya. Sabi ko doon noong mayor ako, “that this is too much”. Sobra ‘yan. But before that I communicate it to the ambassador at that time, sinabi ko, “they run the risk of — you know.” Kasi ang sinabi ko, ‘pag hindi niyo hintuin ‘yang 5-6 na ‘yan, kayo ang hintuin ko. Mark my word.,” litaniya ni Pang. Duterte.

Kaya nga aniya sa Davao ay wala na ang double dealing na ito o ang 5-6.

“It is no longer a practice kasi p***** i** mo papatayin talaga kita. ‘Wag mong pahirapan ang Pilipino. ‘Yang tamang-tama lang. But do not, you know, crucify him on bended knees. Huwag mong pasobrahan. Kasi ang mga taong maliit — hindi ako nagda-drama, kilala nyo naman ako,” ang pahayag ng Pangulo. (Kris Jose)