Mga nagpositibo sa COVID antigen test ireport – DOH

Mga nagpositibo sa COVID antigen test ireport – DOH

February 2, 2022 @ 1:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health na mandatoryo ang pagrereport ng mga nagpopositibo sa  self-administered COVID-19 antigen tests.

“All individuals with a positive self-antigen test shall report to their Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) or healthcare provider,” saad sa Department Memorandum No. 2022-0033 ng DOH.

Itatala ng healthcare providers ang COVID case sa loob ng 24 oras na na natukoy ito sa pagsasagot ng COVID-19 Case Investigation Form at isusumite naman sa local Epidemiology and Surveillance Unit.

Dapat ding magkaroon ng sariling reporting system ang lokal na pamahalaan at telemedicine providers  na accredited ng DOH.

Samantala, nagpaalala naman sa tamang pagtatapon ng self-administered test kits dahil sa ikinokonsidera itong “infectious waste” kung kaya’t dapat panatilihing maayos ang paggamit. RNT/FGDC