Mga nahuling city ordinance violators, nasa mahigit 28,000 na – NCRPO

Mga nahuling city ordinance violators, nasa mahigit 28,000 na – NCRPO

July 3, 2018 @ 3:05 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Aabot na sa 28,087 ang mga nahuli ng pulis dahil sa sari-saring paglabag sa iba’t ibang ordinansa ng barangay at siyudad sa Metro Manila mula noong Hunyo 13 hanggang kaninang medaling araw ng Hulyo 3.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pumalo sa 8,308 ang mga lumabag sa smoking ban, habang pumangalawa rito ang mga nahuling hindi sumusunod sa curfew (4,943).

Nasa 4,150 naman ang mga nahuling walang damit pang-itaas, 4,139 ang dinampot na umiinom sa mga pampublikong lugar at ang nasa 6,547 pa ang nahuli sa paglabag ng iba’t ibang ordinansa.

Nagtala ang Eastern Police District ng pinakamaraming huli na pumalo sa 11,937.

Kabuuang bilang ng mga nahuli sa Metro Manila:

  • Eastern Police District – 11,937 (42.50 porsiyento)
  • Southern Police District – 6,047 (21.53 porsiyento)
  • Quezon City Police District – 4,324 (15.40 porsiyento)
  • Manila Police District – 2,950 (10.50 porsiyento)
  • Northern Police District – 2,829 (10.07 porsiyento)

TOTAL: 28,087

Samantala, nilinaw naman ng pulisya na nasa tatlo lang ang nasa kustodiya nila.

Nasa 15,000 ang pinagsabihan lamang at agad na pinauwi. Higit 9,000 naman ang nakapagpiyansa, habang nasa 4,000 ng tuluyang kinasuhan. (Remate News Team)