Mga nakarekober sa COVID pwede pa ring masapul ng Omicron- eksperto

Mga nakarekober sa COVID pwede pa ring masapul ng Omicron- eksperto

December 6, 2021 @ 3:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng isang eksperto na maaari pa ring tamaan ng Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19) ang isang taong gumaling na mula sa virus.

Ipinaliwanag ng molecular biologist na si Fr. Nicanor Robles Austriaco, Jr. ng University of Santo Tomas,na sa kabila ng pagkakaroon ng natural immunity sa virus ng mga dati nang nahawa ng COVID-19, maaaring hindi na makilala ng immune system ng katawan ang Omicron dahil iba na ang spike protein nito kumpara sa Delta at iba pang variant ng COVID-19.

Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo nitong Linggo, sinabi ni Austiaco na base ito sa karanasan sa South Africa.

“It’s not that it will be worse. It’s just that the antibodies are against the spike protein. And if the spike protein is different, then the antibodies don’t recognize the new Omicron spike proteins,” pahayag ng fellow ng OCTA Research Group sa Teleradyo.

“So, you are protected against Alpha, Beta, Gamma, Delta, but when you get attacked by Omicron, the immune system cannot see Omicron. It’s like blind eh, because it’s like it’s changed its color,” dagdag pa niya.

Dito nagmula ang pangamba na posibleng hindi epektibo ang mga naunang bakuna sa Omicron, pero masusi pa rin itong pinag-aralan.

Posible umanong abutin pa ng isang linggo bago malaman ang resulta ng pinagsamang dugo ng bakunadong indibidwal at Omicron kung saan malalaman kung kayang patayin ng antibody sa bakuna ang virus.

Ngunit ayon sa obserbasyon sa Gauteng Province sa South Africa, lumalabas na karamihan sa mga kaso ay hindi bakunadong university student o mga batang hindi bakunado ang magulang.

“We know that vaccines still protect you. We’re still not sure how good that protection is,” aniya. 

Sa taas ng vaccination rate sa Metro Manila, naniniwala naman si Austriatico na maliit ang tiyansa na magka-surge uli kahit pa makapasok ang Omicron.

“Even if the protection is lower because so many of our kababayans have been vaccinated in the Manila and in many of the metropolitan cities, the cities are protected now,” sabi ng eksperto. 

“The cities are relatively vaccinated pretty well, especially in the large cities. So, hopefully, Omicron will not enter and if it enters, it will struggle to fight because we have so many defenses in our vaccinated people,” patuloy pa niya. RNT/SA