Mga nakatira sa Manila South Cemetery ginalugad ng MPD

Mga nakatira sa Manila South Cemetery ginalugad ng MPD

October 9, 2022 @ 4:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ginalugad ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station ang Manila South Cemetery bilang paghahanda na rin para sa Undas 2022.

Sa nasabing operasyon, inipon ang mga kalalakihang residente sa loob ng sementeryo upang malaman ang kanilang pagkakakilanlan at matukoy kung sila ay may warrant of arrest.

Pero ayon sa pulisya, isa ang nadiskubre na may warrant of arrest habang may isa pang naaktuhan na humihithit ng illegal na droga.

Ayon sa report na isinumite ni Police Leutenant Colonel Orlando Mirando Jr., Commander ng Sta Ana Police District, kay MPD- Director Brigadier General Andre Perez Dizon, sabay-sabay silang nagtungo sa lugar kasama si Police Major Jake Arcilla, Chief Operation, ibang PCP Commander at mga tauhan nito nang masorpresa ang mga nakatira sa sementeryo.

Nabatid kay Mirando, ginawa nila ito para sa preperasyon ng undas at matukoy pa kung anong tindahan sa loob ng sementeryo ang may nagtitindang alak, mga tulak ng droga sa lugar at mga wanted na nagtatago sa batas.

Dahil dito, mas pinalakas ni Mirando ang seguridad sa loob ng sementeryo at sa kanyang mga nasasakupan. Jocelyn Tabangcura-Domenden