Mga nanalo sa ‘Klimalikasan’ awards kinilala sa disaster resiliency

Mga nanalo sa ‘Klimalikasan’ awards kinilala sa disaster resiliency

December 12, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala ang mga nanalong tanggapan ng disaster risk reduction and management offices ng mga lungsod ng Baguio at Quezon habang ang Ifugao native ang lumabas na kampiyon para sa “Mga Kwentong KLIMA-likasan: A Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards” para sa taong ito.

Iprinisinta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Climate Change Service (CCS) at Gender and Development Office sa pakikipagtulungan ng telecommunications giant Globe Telecom, layunin ng KLIMA-likasan Awards na kilalanin ang mga istorya ng mga indibidwal, grupo at provincial local government units (LGUs) upang tugunan ang climate change at disaster sa mga komunidad.

Kaugnay nito ang pagbibigay ng awards na ito ay kabilang sa selebrasyon ng 2022 National Climate Change Consciousness Week na may temang “Sama-Samang Tumutugon sa Hamon ng Nagbabagong Klima.”

“The stories that we received from 16 regions in the country only say one thing: there are already significant actions happening on the ground. We need to take note of them, document them, map them and see how we can scale up the initiatives to expand to other areas in their community,” saad ni Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change Analiza Rebuelta-Teh.

Samantala para sa kanyang panig, sinabi naman ni DENR CCS Director Elenida Basug na: “Our recognition scheme aims to feature the long track record and important contributions and initiatives in the environment, climate change, and disaster risk management.”

Ayon sa DENR anim na kalahok ang itinanghal na una at ikalawang puwesto ng KLIMA-likasan Awards sa ilalim ng tatlong kategorya (indibidwal, grupo at LGU), habang anim na iba pa ang nabigyan ng special citations – Gender Equality, Women’s Empowerment, at Climate Change Award, at Climate Technology for Resilience Award – sa ginanap na virtual ceremony noong Nobyembre 24.

Ang Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office ang nakapag-uwi ng P80,000 kung saan ay itinanghal itong KLIMA-likasan Awards first placer at nakatanggap din ng Climate Technology for Resilience Special Citation sa ilalim ng kategorya ng LGU.

Ang winning entry na “The Baguio City Smart and Gender-inclusive Flood Early Warning Information and Mitigation System” na mayroong holistic, nature-based, gender-sensitive at socially inclusive approach upang tutukan ang mga pagsubok sa lungsod.

Naiuwi naman ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office ang first place at ang Climate Technology for Resilience Special Citation sa ilalim ng group category para sa kanilang entry na “iRISE UP” (Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population).

Ang iRISE UP ay isang early warning system na nagsasaayos ng DRRM information system ng Quezon City nang sa gayon ang mga advisory ay agad na naibabahagi sa mga komunidad. Nakatanggap ang QC DRRM Office ng P60,000. Santi Celario