Mga napanis na COVID vax papalitan ng COVAX Facility – DOH

Mga napanis na COVID vax papalitan ng COVAX Facility – DOH

August 9, 2022 @ 6:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Papalitan ng  COVAX Facility ang lahat ng mapapanis na bakuna na ng Pilipinas, kabilang ang mga binili ng pribadong sektor at lokal na pamahalaan, ayon sa Department of Health nitong Martes.

Itatakda ang delivery ng mga kapalit na bakuna sa pag-unti ng suplay nito sa bansa, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

“We’ve already gotten the commitment of COVAX they will be replacing these expiring vaccines from the private sector and local governments,” pahayag niya.

Ang vaccine wastage was ng bansa ay “less than 10 percent,” ang threshold na itinakda ng World Health Organization, naunang ihayag ni Vergeire. Bukas naman umano ang DOH isa imbestigasyon sa expiring at wasted jabs, aniya pa.

Hanggang nitong Lunes, 71.9 milyong Pilipino na ang fully vaccinated, ani Vergeire. Sa bilang na ito, 16.6 milyon ang naturukan ng karagdagang dose, habang 1.5 milyon ang naturukan na ng ikalawang booster.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 443,892 additional doses kada araw upang maabot ng bansa ang 23 milyon pang booster shots hanggang Oktubre 8, ani Vergeire.

Mula Hulyo 6 hanggang Agosto 7, halos 1,192,402 pang karagdagang doses ang naiturok sa 5 porsyento ng eligible na 23.8 milyong target, base kay Vergeire.

“It’s too early for us to say if it’s going to be feasible or not. Admittedly for these past days medyo mababa po talaga ang output natin,” sabi niya.

Naglagay ang pamahalaan ng 15,468 vaccination sites para sa inoculation campaign, batay kay Vergeire. RNT/SA