Mga nasabat na asukal ng BOC, patuloy na iniimbestigahan

Mga nasabat na asukal ng BOC, patuloy na iniimbestigahan

November 9, 2022 @ 5:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa nangyaring sunod-sunod na operasyon ng mga itinagong asukal sa mga warehouses at pantalan noong Agosto.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Bureau of Customs spokesperson Arnold dela Torre na kasalukuyan ito ay nagkakahalaga na ng P289 milyon.

Ayon kay de la Torre, sa oras na malaman ang legalidad ng mga nasakoteng suplay ng asukal ay dito na sila magsasampa ng kaso laban sa mga sangkot.

Matatandaan na ilang buwan lang ang nakakaraan ay sunod-sunod ang ginawang pagbisita BOC sa iba’t ibang imbakan ng asukal sa bansa matapos pumutok ang balita na nagkakaroon ng hoarding ang mga suppliers para mapataas ang presyo ng asukal.

Sa ngayon ayon kay Dela Torre ay patuloy pa rin ang kanilang monitoring pagdating sa suplay ng asukal sa mga pantalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Larawan kuha ni Crismon Heramis