Mga nasawi sa hagupit ni Hurricane Ian umakyat na sa 83

Mga nasawi sa hagupit ni Hurricane Ian umakyat na sa 83

October 3, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MIAMI — Pumalo na sa mahigit 80 ang death toll mula kay Hurricane Ian nitong Linggo sa pagharap ng mga residente ng sa Florida at sa Carolinas sa pinsalang aabot sa “tens of billions of dollars”, habang nahaharap naman sa kritisismo ang mga opisyal sa kanilang pagtugon sa bagyo.

Inaasahang tataas pa ang death toll sa patuloy na pagresponde ng search teams sa iba pang lugar. Daan-daang indibidwal ang nasagip sa ng emergency workers sa mga bahay at gusali na hinagupit ng kalamidad.

Kinumpirma ang hindi bababa sa 85 storm-related deaths mula nang tumama si Ian sa Gulf Coast ng Florida nitong Miyerkules bilang Category 4 hurricane na may maximum sustained winds na 150 miles per hour (240 km per hour).

Kinuwestiyon naman ang mga opisyal sa Lee County, kung saan kabilang ang Fort Myers at Cape Coral at nasa Gulf Coast, kung nagsagawa ba ng paglikas sa tamang oras.

Magtutungo sina President Joe Biden at first lady Jill Biden will sa Florida sa Miyerkules upang suriin ang pinsalang dulot ng bagyo, base sa White House nitong Sabado. Bibisita rin sila sa Puerto Rico, ngayong lunes kung saan maraming indibidwal ang dalawang linggo nang nagtitiis na walang kuryente matapos hagupitin ni Hurricane Fiona ang isla.

Inihayag naman ng North Carolina authorities na hindi bababa sa apat na indibidwal ang nasawi sa lugar dahil sa bagyo. 

Humina na si Ian sa isang post-tropical cyclone. RNT/SA